Nationalist People’s Coalition, kinilala ang ambag ng liderato ng Kamara sa mga reporma lalo na sa sektor ng agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukoy ng Nationalist People’s Coalition ang malaking ambag ng liderato ng Kamara sa pagkamit ng mga “game-changing reforms” ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga na siya ring tagapagsalita ng NPC, naging posible ito dahil sa “purpose-driven leadership” ni Speaker Martin Romualdez.

Aniya tinitiyak ng House Speaker na mapagtitibay ng Kapulungan ang mga batas na tutugon sa kagyat na pangangailangan ng mga Pilipino.

Kasama na aniya dito ang RA12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na po-protekta sa mga magsasaka at sisiguro sa pagkakaroon ng abot-kayang pagkain. Gayundin ang amyenda sa Rice Tariffication Law na magpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031 at magtataas sa taunang alokasyon sa ₱30 billion mula sa kasalukuyang ₱10 billion.

“This balanced approach, championed under Speaker Romualdez’s guidance, addresses food security concerns while protecting local farmers. Speaker Romualdez has set an unprecedented standard for legislative productivity, guiding the House to enact laws that transform lives, foster economic recovery, and drive national development. His leadership proves how Congress can drive real change,” ani Enverga.

Panawagan naman ng mambabatas na ipagpatuloy ang pagtutulungan at ugnayan upang matiyak na maipapatupad at mapapakinabangan ang layunin ng naturang mga reporma. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us