Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente ng Puerto Princesa City sa Palawan, lalawigan ng Basilan, gayundin ang mga daraan sa Rozul Reef sa West Philippine Sea.
Ayon sa NDRRMC, ito’y dahil sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa Long March8A ng China na nakatakdang pakawalan sa pagitan ng January 25 at 27.
Batay sa pagtaya, posibleng bumagsak ang debris sa dagat o 106 nautical miles mula sa Rozul Reef, 34 nautical miles mula naman sa Puerto Princesa City, at 39 nautical miles mula sa Hadji Muhtamad sa Basilan.
Paalala naman ng Philippine Space Agency, huwag lapitan o hawakan ang mga makikitang debris dahil posibleng nagtataglay ito ng nakalalasong kemikal kaya’t makabubuting i-report ito sa mga awtoridad upang maaksyunan. | ulat ni Jaymark Dagala