Inaasahan ng Philippine Statistics Authority na bababa pa at magiging negatibo na ang rice inflation sa bansa sa darating na enero.
Ayon kay PSA Chief National Statistician Usec. Dennis Mapa, malaki na naman ang ibinaba ng inflation sa bigas nitong disyembre na umabot sa 0.8% mula sa 5.1% noong nobyembre.
Nakaambag din ang mas mababang rice inflation sa pagbabal ng kabuuang inflation sa bottom 30% income households.
Kung pagbabatayan naman ang presyo, bumaba na ng halos dalawang piso ang presyo ng regular milled rice na nasa higit P50 ang kada kilo noong oktubre sa P48.81 nitong disyembre.
Dahil dito, kumpiyansa ang PSA na mas bababa pa ang inflation sa bigas ngayong buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa