NFA, kumpiyansang mapapalakas pa ang procurement ng palay ngayong 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling positibo ang National Food Authority (NFA) na mapapalawak nito ang procurement ng palay ngayong 2025.

Ito ay sa kabila ng iba’t ibang hamon sa ahensya kabilang ang pag-release sa procured NFA rice stocks, warehouse capacity, at ang pondo sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, patuloy na paiigtingin ng ahensya ang pagbili ng palay mula sa mga magsasaka para sa target na buffer stock na hanggang 15 araw na. “I believe that with the help of everyone, kayang-kaya natin ito. Kahit maraming challenges, panatag ang NFA this year and moving forward.”

Noong 2024, umabot sa 95% ang procurement rate ng NFA sa target na 300,000 metric tons (MT).

Sa ngayon, iniutos na ni Admin Lacson ang paghahanda sa buong kapasidad ng mga bodega para matugunan ang 15-araw na buffer stock.

Napag-usapan na din aniya ang isyung ito sa GCG (Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us