Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na regular na nakakapagbayad ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ng minamandato sa kanilang buwis.
Sa pagsisimula ng pagtalakay ng House Ways and Means Committee patungkol sa franchise tax ng naturang transmission service provider, sinabi ni Bureau of Internal Revenue Commisioner Atty. Romeo Lumagui Jr., na nakakapagbayad naman ang NGCP ng kanilang 3 percent franchise tax.
Epetkibo rin aniyang naipapatupad ang ERC Resolution No. 10, kasunod ng paglalabas ng BIR ng Revenue Memorandum Circular 24-2024, kung saan hindi maaaring ipasa ang naturang franchise tax sa mga consumer.
Ayon naman kay Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta, mula 2018 nakakapagbayad ang NGCP ng P1.3 billion hanggang P1.5 billion na franchise tax kada taon.
Mula naman aniya 2016 hanggang 2022 ay nakapagbayad ang NGCP ng kabuang P21 billion na franchise tax. | ulat ni Kathleen Forbes