Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na handa na ang lahat para sa Traslacion 2025.
Personal na binisita ni OCD-NCR Director George F. Keyser ang mga pangunahing lugar tulad ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Emergency Operations Center, Kartilya ng Katipunan Regional Incident Management Team Command Post, Quiapo Multi-Agency Command Center, at Quirino Grandstand upang masiguro ang kahandaan ng mga pasilidad para sa aktibidad.
Ayon sa OCD, kabilang sa mga paghahanda ang pagtatayo ng incident command post, field hospitals, at evacuation centers.
Siniguro rin ang koordinasyon ng mga ahensya sa pamamagitan ng Virtual Emergency Operations Center para sa mabilis na tugon sa anumang insidente.
Samantala, inanunsyo ng Manila Police District na magkakaroon ng cellphone signal interruption simula alas-4 ng umaga sa January 9 hanggang makarating ang Andas sa Quiapo Church.
Mula sa Camp Aguinaldo, para sa Bagong Pilipinas, Diane Lear, Radyo Pilipinas, Radyo Publiko. | ulat ni Diane Lear