Nakatakdang ilunsad ngayon ng Quezon City government sa pangunguna ng QC Health Department ang Operation Timbang Plus 2025.
Layon ng aktibidad na suriin ang timbang ng mga batang may edad 0-59 na buwan upang matukoy kung nasa tamang kalusugan at paglaki ang mga ito.
Gayundin upang matukoy ang mga batang dumaranas ng malnutrisyon at kailangan ng pag-alalay ng pamahalaang lungsod.
Ayon sa LGU, simula ngayong Enero ay magbabahay-bahay ang mga OPT+ Team para magtimbang ng mga bata.
Maaari din itong gawin sa Health Centers na tatagal hanggang Marso ng 2025.
Ang resulta ng OPT+ ay gagamiting datos para sa mga programang pang nutrisyon sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa