Ipinakita ng isang Security Officer ng Office for Transportation Security (OTS) ang katapatan nito nang isauli niya ang naiwang jewelry box ng isang pasahero sa security screening area sa Clark International Airport.
Laman umano ng nasabing jewelry box ang dalawang kwintas na pagmamay-ari ng pasahero na patungong Singapore sakay ng Tiger Airways flight TR 395 nang maiwan ito sa security screening area at mapansin ni SSO Shift-In-Charge Julius Flores.
Naibalik naman sa may-ari ang nasabing mga gamit na lubos namang nagpasalamat sa mga tauhan ng OTS dahil sa kanilang katapatan at maagap na aksyon upang maibalik ang mga alahas.
Pinuri naman ng pamunuan ng OTS sa pangunguna ni OTS Administrator Usec. Crizaldo Nieves ang ipinapakitang katapan ng mga OTS SSOs bagay na sang-ayon na rin sa mga pasahero
Ang pagkilala at suporta umano ng publiko sa kanilang trabaho ang nagbibigay sa kanila ng lakas at determinasyon upang ipagpatuloy ang kanilang misyon para sa ligtas na paglalakbay ng bawat pasahero.
Patuloy din, ayon kay Nieves ang kanilang mga OTS Screeners sa pagsusumikap na gampanan ang kanilang tungkulin na may integridad, malasakit, at propesyonalismo.| ulat ni EJ Lazaro