Outpatient Emergency Care Benefit package ng PhilHealth, maaari nang i-avail simula January 11

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagpapalawak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang mga serbisyo sa kabila ng zero subsidy sa 2025 budget.

Ayon sa PhilHealth, epektibo na simula January 11 ang kanilang Outpatient Emergency Care Benefit Package.

Saklaw nito ang emergency outpatient services kung saan sasagutin nila ang “urgent medical care” ng mga pasyenteng isinugod sa emergency hospital na hindi kailangan ng admission sa loob ng 24 oras.

Nakatuon ang package sa Facility-Based Emergency at Pre-Hospital Emergency Benefits sa mga accredited hospital emergency department.

Samantala, ibinida rin ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma ang kanilang iba pang mga serbisyo.

Kasama dito ang: Package para sa Ischemic Heart Disease – Acute Myocardial Infarction na nagtataas ng mga benepisyo para sa mga may sakit sa puso, Z Benefits Package para sa Kidney Transplantation, Preventive Oral Health Services sa Primary Care, at iba pa.

Inihayag din ni Ledesma na maglalabas pa sila ng iba pang mga package sa loob ng taong 2025. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us