Ikinalugod ni House Assistant Majority Leader at Tingog Partylist Representative Jude Acidre na nakarating na rin sa Eastern Visayas ang mas murang bigas.
Ayon kay Acidre, nitong weekend Enero 4 ay nagsimula na ang bentahan ng P38 kada kilo ng bigas sa Tacloban City Public Market.
Bukod sa Tacloban, sabi ni Acidre ay available na rin ito sa Calbayog sa Samar.
Bahagi ito ng “Rice-for-All” program ng Department of Agriculture, kung saan layong maibenta sa halagang P38 hanggang P39 ang kada kilo ng bigas. | ulat ni Kathleen Forbes