PAF, nagluluksa sa pagkamatay ni 2-time SEA Games Gold medalist Mervin Guarte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Air Force (PAF) sa naulilang pamilya ni 2-time Southeast Asian (SEA) Games Gold Medalist Mervin Guarte ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Maria Consuelo “Bon” Castillo, hindi matatawaran ang ipinakitang dedikasyon ni Guarte hindi lamang bilang atleta kundi bilang isang kawal ng bayan.

Si Guarte ay miyembro ng Philippine Air Force na may ranggong Airman First Class (A1C) na nakapasok sa pamamagitan ng direct enlistment noong 2015.

Magugunitang napaulat na nasawi si Guarte makaraang saksakin ito sa dibdib kahapon ng madaling araw sa bahay ng kaniyang kaibigang konsehal sa Calapan City.

Dahil dito, tiniyak ng Air Force ang pagbibigay ng buong suporta at tulong pinansyal sa naiwang pamilya at makikipag-ugnayan din sa Calapan City Police para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaso. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us