Gumagawa ng paraan ang Department of Social Welfare and Development para makapag aral ng tuloy-tuloy ang mga estudyante na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.
Katuwang ang mga faculty members, namahagi ng learning modules ang DSWD Field Office 6 sa mga paaralan, isa dito ang La Castellana Elementary School sa Negros Occidental.
Isinasagawa ang temporary learning sessions sa loob ng evacuation centers bilang alternatibo sa regular school activities.
Naka iskedyul naman ang face-to-face classes para sa mga mag-aaral tuwing lunes, habang ang mga modular session ay tuwing Martes hanggang Biyernes.
Bukod dito may alok ding school-based feeding program ang ahensya para sa mga mag-aaral.
Mahalaga anila ang pagsisikap na ito upang masuportahan ang kalusugan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtanggap ng sapat na nutrisyon. | ulat ni Rey Ferrer
📷DSWD