Pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa 2025 Midterm Elections, sisimulan ng COMELEC ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsisimula na ngayong araw, January 6 ang Commission on Elections (COMELEC) sa pag-imprenta ng mga balota na gagamitin ng 74 na milyong botante para sa 2025 Midterm Elections.

Sa warehouse ng COMELEC sa Biñan City, Laguna gagawin ang pag-imprenta na tatagal ng 77 araw.

Ayon kay COMELEC Chair George Erwin Garcia, target nilang matapos ang imprenta hanggang April 14, 2025 bago ito ipadala sa iba’t ibang probinsya at mga embahada.

Kahapon, ipinasilip na ng Komisyon sa mga election watchdog pati sa media ang ballot face o mukha ng balota na gagamitin sa 2025 Midterm Elections.

Nakalagay na doon ang pangalan ng final list ng mga kandidato habang hindi na isinama ang mga na-disqualified. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us