Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag imprenta ng mga balota na gagamitin sa darating na 2025 National and Local Elections sa bansa.
Pinangunahan ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang kick off ceremony para sa printing ng official ballots sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Aabot sa 72 milyong balota ang gagawin gamit ang dalawang bagong HP Printer, at asahang matatapos sa Abril 14 at maaaring mapaaga sa Marso 25 kung walang aberya.
Ayon maman kay Helen Aguila- Flores, Vice Chairperson ng Printing Committee, kayang makapag imprenta ang dalawang HP printer ng 950,000 piraso ng official ballots kada araw. | ulat ni Rey Ferrer