Binuksan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center ang bagong halfway house for families and caregivers ng mga pasyente ng V. Luna Medical Center (VLMC) sa Quezon City.
Ayon sa PAGCOR ang five-story watchers’ dormitory, na pinondohan ng ₱53.22 million, ay mayroong 35 rooms at 124 beds.
![](https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2025/01/FB_IMG_1738111868477-797x1024.jpg)
Mayroon din anila itong kusina, dining areas, caregiver quarters, at iba pang amenities para maging komportable ang pamilya ng mga naka-confine na pasyente.
Paliwanag ni PAGCOR Chair at CEO Alejandro Tengco na ang naturang proyekto ay hindi lamang isang corporate social responsibility ng PAGCOR, bagkus ito aniya ay isang mainit na pagpapasalamat sa mga matatapang na sundalo ng bansa na nagbubuwis ng buhay para sa bayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco
PAGCOR
![](https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2025/01/FB_IMG_1738111856964-1024x699.jpg)