Binawasan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang fee rates nito para sa Electronic Games (E-Games) mula sa 35% ay magiging 30% na lamang epektibo ngayong 2025.
Bahagi ito ng kampanya ng PAGCOR para labanan ang illegal gaming operations.
Ayon kay PAGCOR Chairperson at CEO Alejandro Tengco, ang rates para sa e-games na pinamamahalaan ng integrated resorts ay ibinaba rin sa 25% para makabawi sa overhead expenses nito.
Paliwanag ni Tengco, sa pamamagitan ng pagbaba ng share rates ng PAGCOR, nakakagawa sila ng mas paborableng regulatory environment sa pamamagitan ng paghimok sa mga unregistered online gaming operators na pumasok sa legal market.
Giit nito, ang fee rates na kanilang kinokolekta ay base sa fixed percentage ng gross gaming revenue ng mga lisensyadong palaruan. | ulat ni Lorenz Tanjoco