Pagdami ng sumusuporta sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, repleksyon ng pagnanais ng taumbayan ng pananagutan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para sa tatlong grupo na naghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte ang resulta ng December SWS survey na 41% ng mga Pilipino ang suportado ang impeachment laban sa pangalawang pangulo.

Ayon kay Akbayan party-list Rep. Cendaña, endorser ng unang impeachment complaint, repleksyon ito ng tumitibay na public consesus at pagkadismaya sa pamumuno at hakbang ng bise presidente.

Mas dumarami na rin aniya ang nananawagan para sa pananagutan mula sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

“This survey not only validates the growing distrust towards the Vice President but also highlights the Filipino people’s resolve to hold the powerful accountable. The momentum for justice is undeniable, and the call for truth and integrity in governance continues to gain strength.” ani Cendaña

Dahil naman dito, nanawagan si House Deputy Minority Leader France Castro, isa sa mga nag endorso ng pangalawang reklamo, na aksyunan na ng Kamara ang mga reklamo laban kay VP Duterte.

Naniniwala din si Castro na dadami pa ang susuporta sa impeachment sa mga susunod na araw dahil nakikita ng taumbayan na kailangang may pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno.

“The House leadership cannot continue to sit on the impeachment complaints when 4 out of 10 Filipinos already support the move to hold Vice President Duterte accountable…Hindi pwedeng dedmahin ito.” saad ni Castro

Hindi na nagulat at inaashaan na ni Atty. Amando Ligutan, legal counsel ng complainants na ikatlong impeachment ang buhos ng suporta sa pagpalatalsik sa bise-presidente.

Marami na rin kasi aniya ang nais siyang papanagutin sa mga anomalya sa milyong pisong confidential fund na ginastos ng kaniyang tanggapan.

“There is palpable broad-based support to the initiatives to hold her accountable for the controversial manner she spent the multi-million confidential funds entrusted to her by the Filipino people, and her even more controversial stance not to explain to the public how she did it. That really struck a nerve among our people. That made our people angry.” sabi ni Ligutan

Kailangan naman aniya magdoble kayod ang mga impeachment proponents upang maipaintindi at mabuksan ang kamalayan ng 19% na undecided pa.

“This encourages us, the impeachment proponents, to work even harder to make these undecided realize that there are two (2) starkly opposite sides to choose from- one that promotes honesty, integrity, and accountability in the handling of public funds, and the other one that espouses their opposites- dishonesty, corruption, and impunity in the handling of public funds.” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us