Tinukoy ng isang mambabatas ang kahalagahan na may sapat na buffer stock ng bigas ang National Food Authority.
Ayon kay Navotas Representative Toby Tiangco, malaking bagay para sa relief efforts ng pamahalaan na nakamit ng NFA ang 95 percent ng target buffer stock nito ng bigas.
Ibig sabihin kasi, may sapat na supply na maaaring ilabas sa panahon ng emergency o kalamidad.
Lalo na aniya ngayon at patuloy din ang paghahanda ng pamahalaan sa nagbabadyang pagputok ng Mt. Kanlaon.
Salig sa inamyendahang Rice Tariffication Law, dapat ay may 15 days na buffer stock ng bigas ang NFA para tugunan ang disaster relief programs at food security challenges. | ulat ni Kathleen Forbes