Pagpapatuloy ng reporma sa edukasyon, target ng DepEd ngayong 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Prayoridad ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa kanyang New Year’s message, ipinangako ni DepEd Secretary Sonny Angara ang bagong simula at mas malaking tagumpay para sa DepEd, sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa mga reporma sa edukasyon.

Paliwanag ng Kalihim, patuloy sa ngayon ang mga diskusyon ng DepEd sa pagpapataas ng antas ng edukasyon sa bansa.

Sa katunayan, marami aniya ang mga nais na magpaabot ng tulong at suporta mula sa pribadong sektor, mga ahensya ng gobyerno, lalo na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us