Naging maayos at mapayapa ang selebrasyon ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Quezon City ayon yan sa assessment ng Quezon City Police District (QCPD).
Matapos ang monitoring ng QCPD, wala itong naiulat na anumang major untoward incidents sa buong lungsod.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD)Acting Director, Police Col. Melecio Buslig Jr, ang ligtas na pagsalubong ng 2025 ay naging posible dahil sa maayos na deployment ng mga tauhan ng pulisya sa mga lansangan at mataong lugar gaya ng mga transport hubs, pamilihan, mall, negosyo, at simbahan.
Katunayan, nasa higit 1,200 tauhan ng QCPD ang nagbantay nitong Holiday Season, kasama pa ang 2,203 force multipliers.
Bukod dito, nakaambag din ang mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa paggamit ng mga iligal na paputok sa lungsod.
Kaugnay nito, pinuri naman ni Qiezon City Mayor Joy Belmonte ang pagsisikap ng QCPD sa pagtiyak ng ligtas at mapayapang selebrasyon ng Salubong 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸 QCPD