Pagsisimula ng Traslacion, naging mapayapa — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Relatively Peaceful kung ituring ng Philippine National Police (PNP) ang pagsisimula ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno ngayong araw.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo batay sa pagtaya ng Manila Police District (MPD).

Batay sa pagtaya ng PNP buhat kaninang hatinggabi ay pumalo na sa mahigit 100,000 mga deboto ang dumagsa sa Quirino Grandstand at inaasahan pa nilang darami pa ito habang umuusad ng prusisyon.

Bukod pa aniya ang pagtaya sa mga debotong nagtutungo sa Basilika Minore sa Quiapo kaya’t kung pagsasamahin ay asahan nang tataas pa ang naturang bilang.

Umaasa naman ang PNP na manatiling maayos at mapayapa ang kabuoan ng Traslacion hanggang sa makabalik na ang andas sa Quiapo.

Muli namang nanawagan ang PNP lalo na sa mga nasa vulnerable sector na hangga’t maaari ay huwag nang sumama sa prusisyon habang pina-iingat naman ang mga lumalahok na pag-ingatang maigi ang kanilang sarili at dala-dalahin. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us