Itinakdang isagawa sa Enero 7 ang tradisyunal na “Pahalik” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa Quirino Grandstand, Rizal Park, sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa mga organizer, mag-uumpisa ang “Pahalik” sa Martes, kasabay ng paghahanda para sa 30 Fiesta Masses mula Enero 8 ng 3:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi sa Enero 9, ang mismong araw ng kapistahan.
Patuloy naman ang mga paghahanda ng Lungsod para sa stage na gagamitin sa Quirino Grandstand para sa nasabing kaganapan.
Si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mangunguna sa tradisyunal na “Misa Mayor” sa hatinggabi ng Enero 9 na susundan ng Traslacion o ang prusisyon ng Poong Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church na inaasahang dadaluhan ng libo-libong deboto.
Samantala, nauna nang idineklara ng Malacañang bilang special non-working day sa Maynila ang Enero 9.| ulat ni EJ Lazaro