Kaisa ng mga Pilipino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Agriculture Usec Deogracias Victor Savellano, na inilarawan ng pangulo bilang isang kaibigan, isang tunay na public servant, isang indibidwal na ang puso ay nasa paglilingkod sa kapwa.
“I am deeply saddened the passing of Undersecretary Deogracias Victor “DV” Savellano, a true public servant, a dear friend and someone whose heart always belonged to the people he served.” —Pangulong Marcos.
Bilang gobernador at kinatawan ng Ilocos Sur, si DV ay nakapagdala aniya ng mahalagang progreso sa probinsya.
“As governor and representative of Ilocos Sur, DV brought meaningful progress to the province, always guided by his love for Ilocos Sur and its people.” —Pangulong Marcos.
Dinala rin aniya ng opisyal ang dedikasyon nang maupo sa Department of Agriculture (DA), at walang pagod na nagtrabaho para sa livestock sector at upang masuportahan ang mga magsasakang Pilipino.
“He carried that same dedication to his role at the Department of Agriculture, working tirelessly to strengthen our livestock sector and support farmers across the country.” —Pangulong Marcos.
Sa pamilya at malalapit sa buhay ni DV, nagpaabot ng panalangin ang pangulo.
Ang pamana aniya ni DV ay maiiwan sa buhay ng mga minsan na nitong napaglingkuran, gayunrin sa progresong iniwan nito sa Ilocos at sa bansa.
“To his family and loved ones, I offer my sincerest condolences. DV’s legacy will endure in the lives he touched and in the progress he brought to Ilocos and the nation. Agyaman kami kadagiti amin a naipaay a tulong ken serbisyom apo, DV.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan