Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa opisyal na panunumpa sa pwesto ni US President Donald Trump bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos.
Sa maikling mensahe ng pangulo, binati rin ng pangulo ang mga mamamayan ng US, para sa isa na namang mapayapang paglipat ng liderato ng kanilang pamahalaan.
Ayon sa pangulo, ‘looking forward’ na ang kaniyang administrasyon na makatrabaho ang Trump Administration.
“Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their nation’s nearly 250-year history. I look forward to working closely with you and your Administration.” — Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, ang matatag at matagal nang alyansa ng Pilipinas at US ay magpapatuloy lamang upang maisulong pa ang seguridad at pag-unlad sa rehiyon.
“The strong and lasting PH-US alliance will continue to uphold our shared vision of prosperity and security in the region.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan