Panibagong taas-singil sa presyuhan ng produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dagdag pasakit na naman para sa bayang motorista para sa unang linggo ng 2025.

Posible kasi ang taas-singil sa presyuhan ng produktong petrolyo base sa pagtaya ng Departemtn of Energy (DOE).

Ayon kay Director Rino Abad, posible ang ₱0.70 to ₱0.90 centavos increase sa kada litro ng diesel at kerosene.

Habang ₱0.40 to ₱0.60 centavos naman sa kada litro ng gasolina.

Ito ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyuhan ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us