Party-list coalition sa Kamara, kinilala ang kolaborasyon sa pagitan ng liderato ng Kamara, Senado at ehekutibo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang resolusyon ang pinagtibay ng Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI) na naghahayag ng kanilang buong suporta at tiwala sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez.

Bahagi rin ng resolusyon ang pagkilala sa maigting na kolaborasyon sa pagitan ng Kamara, Senado at ehekutibo sa pagpapatibay ng mga legislative agenda ng administrasyong Marcos.

Giit ng PCFI na pinamumunuan ni Ako Bicol Representative Elizaldy Co, dahil sa liderato ni Speaker Romualdez ay naging matagumpay ang Kongreso sa pag-apruba ng mga prayoridad na panukala ng pamahalaan na inaprubahan ng LEDAC.

“Speaker Romualdez’s leadership has been characterized by integrity, innovation, and a steadfast commitment to transformative legislation, earning commendations from his peers and the public, and reinforcing the House’s role as a pillar of democracy,” saad sa resolusyon.

Tinukoy sa resolusyon ang pagiging produktibo ng Kamara na nakapaghain ng 13,454 panukala at resolusyon kung saan 1,368 ang naaprubahan, at 166 na ang naging ganap na batas.

Bukod pa ito sa pagpapatupad ng kanilang oversight power sa mga mahahalagang isyu.

Gaya na lang ng imbestigasyon ng Quad Committee na nagresulta sa paghahain ng mga panukalang batas.

“The House has shown resolute determination in seeking justice for the victims of extrajudicial killings (EJKs) associated with the illegal drug war, initiating comprehensive investigations to hold accountable those responsible and to dismantle the networks perpetuating such injustices,” sabi pa sa resolusyon.

Bibigyan naman ng kopya ng resolusyon si Speaker Romualdez, Senado at Office of the President, upang ipaabot ang kolektibong suporta at commitment ng PCFI sa pagsusulong ng legislative excellence at national development. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us