Umapela si Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na huwag pagbigyan ang planong taas-singil sa pasahe ng LRT-1 dahil aniya magiging dagdag pasanin na naman ito sa working-class commuters.
Batay sa plano ng LRT-2, magkakaroon ng dagdag na ₱8.65 para sa short-distance passengers, ₱6.02 para sa mid-distance passengers, at ₱12.50 naman sa long-distance passengers.
Ani Cendaña, ang halagang ito ay magagamit na sana pambili ng batayang pangangailangan.
Hirit pa niya bakit sisingilin ng halos ₱60 na pamasahe ang pasahero gayong 9:30 PM pa lang ay nagsasara na ng operasyon ang tren.
“Kung gusto talaga nating itaas ang pamasahe, we must first give Filipino commuters concrete improvements. We can extend the train stations’ operating hours for up to 18 hours, or even revamp them. We can also add more stations to ease their commute to their jobs and families,” sabi ni Cendaña.
Una naman nang nangako ang DOTr na aaraling mabuti ang hiling ng LRT na fare increase. | ulat ni Kathleen Jean Forbes