Party-list solons, pinuri ang pagkakalagda ng IRR ng Magna Carta of Filipino Seafarers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa pinuri ng dalawang mambabatas ang pagkakalagda sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng RA 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers.

Ayon kay KABAYAN Partylist Representative Ron Salo, isa itong makasaysayang hakbang sa pagtiyak ng karapatan at kapakanan ng higit 600,000 na Filipino seafarers.

Sa paglagda kasi aniya ng IRR ay masisimulan na ang buong implementasyon ng batas na magsusulong sa karapatan ng mga seafarer at papalakas din sa posisyon ng Pilipinas sa global maritime industry.

September 23, 2024 nang lagdaan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naturang batas.

Kasabay nito ay kinilala din ni Salo ang pagtutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), Maritime Industry Authority (MARINA), mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at iba pang stakeholder na aktibong nakibahagi sa pagbuo ng IRR.

“I thank President Marcos Jr. for his unwavering support of our maritime workforce. His leadership has ensured the realization of this landmark legislation. Our seafarers are the pride of our nation. They deserve laws that uphold their rights, guarantee their safety and competency, and recognize their invaluable contribution. With the IRR in place, we take a decisive step toward achieving these goals,” ani Salo.

Sa panig naman ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino, kaniyang tinukoy ang paglagda sa IRR bilang pagpapakita ng commitment ng pamahalaan sa proteksyon ng karapatan ng Filipino seafarers.

Ipinapakita rin aniya nito ang pagkilala at pagmamalaki ng gobyerno sa kontribusyon ng ating seafarers sa global maritime industry.

“It seeks to enhance the protection and opportunities for Filipino seafarers throughout their careers, from entry to retirement, by aligning local laws with international standards,” sabi ni Magsino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us