Patuloy na pagkilos vs mga POGO, ipinanawagan ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian ng patuloy na pagkilos laban sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ipinunto ni Gatchalian, na bagamat natapos na ang December 31 deadline para ihinto ang POGO operations sa Pilipinas ay posible pa ring nagpapanggap na sila ngayon bilang ibang uri ng negosyo gaya ng Business Process Outsourcing (BPO), resorts, at restaurants, para mapagtakpan ang kanilang mga iligal na aktibidad.

Kaya naman dapat aniyang manatiling mapagmatyag at magtulungan ang law enforcement agencies, mga lokal na pamahalaan at lahat ng mamamayan laban sa presensya ng mga POGO.

Nagbabala pa ang senador laban sa posibleng pagpapabaya at binigyang-diin, na ang pagbabagong anyo ng mga POGO ay nagdudulot ng mga panganib sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. 

Binanggit niya ang impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI), na nagsabing nakikipagtulungan ito sa iba pang ahensya upang mahanap ang higit sa 11,000 dating mga manggagawa ng POGO, na nakatakdang i-deport.

Ayon kay Gatchalian, ang mga iligal na dayuhan ay posibleng masangkot sa mga kriminal na gawain tulad ng pangingidnap at pagnanakaw, kasunod ng mga ulat ng naturang mga insidente.

Pinuri rin ng mambabatas ang Office of the Solicitor General (OSG) sa hakbang na kanselahin ang mga birth certificate, na ibinigay sa mga dayuhan sa ilegal na pamamaraan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us