Nagsinungaling si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin niito na mayroong bakanteng bahagi ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na P6.326 trillion na pambansang pondo para sa 2025.
Ayon kay Pangulong Marcos, dating presidente si Duterte, kaya’t alam niya na hindi maaaring magpasa ng General Appropriations Act (GAA) na mayroong blangkong bahagi.
“He’s lying. He’s a president. He knows that you cannot pass a GAA with a blank… He’s lying,” Pangulong Marcos.
Alam rin aniya ng dating pangulo na hindi maaaring mangyari na maipasa ang budget na mayroon itong blanko o nawawalang bahagi.
“And he’s lying because he knows perfectly well that that doesn’t ever happen,” -Pangulong Marcos.
Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, hindi pa aniya ito nangyari at hindi pa pinayagan na may item sa GAA na hindi nakalagay kung anong proyekto o magkano ang pondong inilaan dito.
“Sa buong kasaysayan ng buong Pilipinas, hindi pinapayagan na magkaroon ng item ang GAA ng hindi nakalagay kung ano ‘yung project at saka ano ‘yung gastos, ano ‘yung pondo. So, it’s a lie,” -Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos, ang kopya ng 2025 GAA, available naman sa website ng Deparment of Budget and Management (DBM) at bukas ito para makita ng lahat ng Pilipino.
“Mayroon namang kopya that’s available on the website of DBM. Tingnan ninyo, huwag na ninyong busisiin isa-isa, hanapin niyo ‘yung sinasabi nila na blank check… Tingnan niyo kung mayroong kahit isa para mapatunayan na tama ang sinasabi ko [na] kasinungalingan ‘yan.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan