PBBM, nagpahatid ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Pista ng Nazareno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ngayong araw na ito ng Pista ng Nazareno.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang makasaysayang tradisyon ay bunga ng masidhing debosyon sa Panginoon at tagapagligtas na si Jesus.

Ang pagbubuhat aniya ng krus ng Panginoon, ayon sa Chief Executive, ay magsisilbing paalala sa mga dinaanan ni Kristo sa kanyang buhay.

Testimonya din, sabi ng Pangulo, ang malaking pagtitipon ng mga tao na may pagkakaisa at camaraderie.

Lagi rin aniyang tandaan na lahat ay daraan sa mga hamon ng buhay na siya namang magsisilbing pagsubok, subalit kailangang harapin ng may pananampalataya.

Para sa mga deboto, kasama man o hindi sa prusisyon, sinabi ng Pangulo, na nawa ay maramdaman ang pagsama ng Makapangyarihang Manlilikha, at sanay makagawa ng serbisyo sa iba. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us