Makikipagpulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Executive Secretary Lucas Bersamin kung saan magkakaroon ng ‘comparing of notes’ ang dalawang opisyal.
Ito ayon kay Communications Acting Secretary Cesar Chavez, ay bilang paghahanda sa kauna-unahang full cabinet meeting na gagawin ng administrasyon ngayong 2025.
Sabi ng kalihim, sa Martes, ika-7 ng Enero, gaganapin ang pulong na ito.
Posibleng matalakay nina Pangulong Marcos ngayong araw ang mga paksa na bubuksan sa pulong.
Bukod sa paghahandang ito, abala ang Pangulo, ngayong araw (January 2), sa iba pang pribadong pulong.
“The president will be comparing some notes with the Executive Secretary today… This includes the agenda in the first cabinet meeting.” — Sec Chavez. | ulat ni Racquel Bayan