Pirmado na ngayong hapon ang implementing rules and regulation (IRR) ng Republic Act no. 12021 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers, na una nang naisabatas noong Setyembre, 2024.
“Among the features of the IRR is the establishment of One-Stop Shop Centers for Seafarers. Through this, we aim to simplify processes to eliminate bureaucratic hurdles. The Magna Carta and the IRR guarantee fair medical treatment and access to free legal representation, ensuring that in moments of vulnerability—whether due to illness, injury, or legal challenges—our seafarers will have the support and protection from government.” —Pangulong Marcos Jr.
Ilan sa mahahalagang nilalaman ng batas ay: Ang pagpapatibay sa karapatan sa impormasyon ng seafarers, karapatan sa legal representation, karapatan laban sa diskriminasyon, at ano mang uri ng bullying o harrassment; karapatan para sa agarang medical attention, karapatan para sa access sa komunikasyon, karapatan para sa record of employment, at karapatan para makaboto sa national elections.
“Ang hakbang na ito ay hindi lamang nagbubukas ng pagkakataon sa industriya, ito rin ay sumasalamin sa ating dedikasyon sa mas progresibo at mas pantay na patakaran sa industriya ng maritime.” —Pangulong Marcos
Isinusulong rin ang kapakanan ng mga kababaihan sa maritime industry.
Sa ilalim ng IRR, parikular na ipinag-uutos sa mga shipowner, manning agencies, at maritime training institutions na bumalangkas at magpatupad ng mga polisiya para sa gender and development.
Sini-simento rin ng IRR sa proteksyon ng mga kababaihan sa industriya mula sa gender-based discriminatory practices.
Nakapaloob rin sa probisyon ng IRR ang patas at napapanahong pagbibigay ng sweldo para sa Filipino seafarers, maging ang karapatan ng mga ito sa sick leave, vacation leave, at death benefits, na sisiguro na properly compensated ang mga ito, sa panahon ng kanilang pagsi-serbisyo, at sakali man na maaksidente o masawi ang mga ito.
Binibigyang diin ng batas, ang pangangailangan na nakakasunod sa international standards ang training programs ng mga ito, para mapataas pa ang competencies, safety standards, at career growth ng Filipino seafarers.
Isa pa sa mga highlight ng IRR ang suporta sa pamilya ng seafarers.
Kabilang dito ang pagbibigay ng financial aid, counseling services, at iba pang porma ng assistance upang matulungan ang pamilya ng seafarers.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sumasalamin lamang ang paglagdang ito sa commitment ng pamahalaan na siguruhin ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong marino, saan man silang bansa.
“Ito po ay simula lamang ng mas matatag at maliwanag na kinabukasan para sa ating mga marinong Pilipino at sa kanilang mga pamilya. Sama-sama nating itaguyod ang Bagong Pilipinas kung saan ang bawat manggagawa, kasama na ang ating mga marino, ay may seguridad at matiwasay na kinabukasan.” —Pangulong Marcos
Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulo sa mga stakeholder ng Maritime Industry na siguruhin na bawat probisyon ng batas ay mahigpit na maipatutupad.
“To the DOTr, MARINA, DOLE, DMW, and other concerned agencies, please ensure the immediate issuance of all remaining guidelines relative to the implementation of this IRR and the Magna Carta of Filipino Seafarers, monitor its strict compliance by all stakeholders, and assist our seafarers to maximize the benefits that it provides. Let us ensure that every provision of this law and its IRR are not just words that appear on paper but a bulwark that our seafarers can rely on.” —Pangulong Marcos | ulat ni Racquel Bayan