PCG, naitala ang mahigit 11,000 mga pasahero sa Batangas Port na pabalik ng Maynila hanggang kagabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa 11,127 ang bilang ng mga pasahero na dumating sa Batangas Port para bumalik ng Maynila.

Ito ang datos na ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) hanggang kaninang alas-12 ng hatinggabi matapos ang Holiday Season.

Sa bilang na ito, pawang nanggaling sa Calapan Port sa Oriental Mindoro at Abra de Ilog Port sa Occidental Mindoro.

Patuloy pa ring naka-Heightened Alert ang lahat ng mga District at Sub-Station ng PCG sa buong bansa para umalalay sa mga manlalakbay na babalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Samantala sa buong bansa, naitala ang 36,123 outbound passengers habang 36,560 ang mga inbound passengers.

Umaabot naman sa 2,933 ang mga ipinakalat na tauhan ng PCG sa lahat ng port terminal sa buong bansa habang nasa 379 vessels at 558 motorbancas ang kanilang na-inspection bago pinayagan bumyahe. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us