Iginiit ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na walang kinikilingan na panig ang Iglesia ni Cristo (INC).
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na peace rally ng naturang organisasyon ngayong araw.
Giit ng mambabatas sa isang panayam, ang tanging nais lamang ng INC ay magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan gaya ng Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Naniniwala aniya ang INC, na maaari lamang makamit ang kapayapaan kung magkakaisa ang taumbayan sa pangunguna ng mga lider ng bansa.
Magsisilbi rin aniya itong mensahe sa mga lider ng pamahalaan, na isantabi ang mga pagkakaiba at magtulungan para sa ikabubuti ng bayan. | ulat ni Kathleen Forbes
Photo: Manila PIO