Asahan na ang paggulong ng Phase 2 at Phase 3 ng National Fiber Backbone Plan ng Marcos Administration.
Ang proyektong ito, gagampan ng malaking papel sa Broadband ng Masa program, o iyong libreng internet service ng pamahalaan sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DICT Asec Renato Paraiso na mayroong anim na phase ang proyektong ito.
Ang Phase I, nakumpleto na ng gobyerno.
“Na-complete na natin iyong Phase 1 ng ating National Fiber Backbone – it is 1,245 kilometers of infostructure stretching from Laoag, Ilocos Norte down here po dito sa opisina natin sa Roces.” —Paraiso.
Ang Phase 2 at 3, sabay na prinocure ng pamahalaan, at ipatutupad na, at inaasahan nila na matapos ito pagsapit nf Marso o Abril ngayong ngayon taon.
“Ang Phase 4 and 5, dahil po sa tulong ng World Bank mayroon ho tayong 288 million dollar loan na ibinigay ho ng ating mga kaibigan sa World Bank para naman makumpleto ang Phase 4 and 5; and finally, Phase 6 para naman ho ma-tie up lahat noong connectivity natin, para naman ho makumpleto iyong regions ng Regions I, III, IV-B and lalung-lalo na ang BARMM.” —Asec Paraiso. | ulat ni Racquel Bayan