Pinaalalahanan ngayon ng Philippine Dermatological Society (PDS) ang publiko na huwag nang gumamit ng IV Glutathione o gluta drip bilang pampaputi.
Kasunod ito ng nag-viral na video ng isang babaeng naglahad ng karanasan online na nagkaroon ng impeksyon matapos magpa-gluta drip.
Makikita sa video na hindi na maimulat ng babae ang kanyang kanang mata at humihiling siya ng panalangin para hindi tuluyang mabulag.
Iginiit ni Dr. Maria Jasmin Jamora, Presidente ng Philippine Dermatological Society na hindi aprubado ng Food and Drug Administration ang IV Glutathione para sa pagpapaputi ng balat at nananawagan sa lahat na sumangguni lamang sa mga kilalang skin clinics para sa mga pangangailangan pagdating sa pangangalaga sa balat.
Una nang nilinaw ng FDA na hindi ligtas ang glutathione injectable dahil posibleng magdulot ng toxic side effects ang ilang klase ng glutathione na ipinadadaan sa IV drip na diretso sa ugat ng pasyente. | ulat ni Merry Ann Bastasa