Pilipinas, may higit na $100-B na gross international reserves sa pagtatapos ng 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaabot sa $100 bilyon ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) may $106.84 bilyon ang bansa sa pagtatapos ng taong 2024.

Ang reserba ay mula sa foreign investments, ginto, dayuhang pera at  reserve position  sa IMF (International Monetary Fund).

Sinabi rin ng BSP, na ang kasalukuyang antas ng GIR ay sapat bilang panlabas na liquidity buffer na katumbas ng 7.5 buwan ng pag-aangkat ng mga kalakal, at pagbabayad para sa mga serbisyo at pangunahing kita.

Samantala, ipinakita rin ng datos ng BSP na ang GIR ay halos 3.8 beses ang halaga ng short-term external debt ng bansa batay sa residual maturity. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us