Pinaka-unang river ambulance sa Eastern Visayas, nai-turn-over na ng DOH sa Maslog, Eastern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naiturn-over na ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas ang pinaka-unang river ambulance sa Bayan ng Maslog, Eastern Samar nitong Miyerkules, ika-8 ng Enero, 2025.

Idinesenyo ang naturang pasilidad upang gawing mas madali ang transportasyon o hospital referral ng mga residente na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Matatandaang malaking hamon para sa mga residente ang halos apat (4) na oras na biyahe ng pagdadala ng pasyente patungo sa karatig-bayan nitong mga nakaraang taon na naging mitsa ng paghahandog ng river ambulance upang makatulong lalo na sa mga liblib na lugar.

Opisyal na isinagawa ang seremonya kasama sina EVCHD Regional Director Exuperia B. Sabalberino, kasama sina Maslog Municipal Vice Mayor Hon. Septemio C. Santiago, at Municipal Health Officer Dr., Dr. Mennie P. Cabacang.

Samantala, kasama naman sa naipamahagi ng ahensya ang ilang kagamitan tulad ng wheelchairs, canes, crutches, at iba pang assistive devices para sa ating mga senior citizens.

Labis naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Maslog at nang Sangguniang Bayan sa hakbang na ito ng ahensya na inaasahang malaking tulong sa kanilang bayan | ulat ni Rigie Malinao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us