Asahan na ang magandang balita ngayong unang dalawang buwan ng bagong Taong 2025 para sa mga konsyumer ng Manila Electric Company (MERALCO).
Ito’y dahil sa ikinakasang refund ng naturang power distributor sa kanilang mga konsyumer bunsod ng sobrang nasingil nito mula 2022 hanggang 2024 na nagkakahalaga ng ₱16 billion.
Gayunman, sinabi ni ERC Chairperson at Chief Executive Officer (CEO), Atty. Monalisa Dimalanta, hanggang ngayon ay hindi pa naghahain ng kanilang petition for refund ang MERALCO.
Isa pang dahilan ani Dimalanta kung bakit hindi pa marahil makapaghain ng petisyon ang MERALCO ay dahil sa hindi pa nila ganap na naisasaayos ang rate reset na siyang kanilang prayoridad sa unang anim na buwan ng taon.
Kinakailangan na kasi aniyang maitakda ang rate reset lalo pa’t magtatapos na ang termino ng dalawang commissioner nito ngayong taon. | ulat ni Jaymark Dagala