Posisyon ng Department of Finance sa panukalang moratorium sa pagtaas ng buwis sa sigarilyo, hinihintay ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hihintayin muna ng Kamara ang posisyon ng Department of Finance (DOF) at stakeholders ukol sa panukalang moratorium o pagpapaliban sa pagtaas ng buwis sa sigarilyo.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda, kailangan malaman muna nila ang posisyon ng DOF tungkol dito bago magtakda ng direksiyon ang komite bilang ang DOF ang tagapagpatupad ng tax policy sa bansa.

Batay aniya sa datos, umabot ng P129 billion ang nawalang kita ng gobyerno sa nakalipas na tatlong taon dahil sa mga sigarilyo na smuggled at hindi napapatawan ng buwis.

Paliwanag pa ni Salceda, napaka mura na ngayon ang pagbili ng sigarilyo online o “by bulk” na ang presyo ay 1/3 na mas mababa kumpara sa taxed at legal cigarettes.

Tinukoy pa niya ang report ng National Nutrition Survey, na tumaas ng 5-percent ang mga naninigarilyo sa bansa mula 2021 hanggang 2023 dahil sa paggamit ng vape lalo na ng mga kabataan.

Bagay na hindi tugma sa pagbaba sa kita.

Bilang ekonomista naniniwala si Salceda na ito ay bunsod ng pagtangkilik sa illicit cigarettes dahil sa mas mura ito. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us