15 first aid stations ang itatayo ng Philippine Red Cross sa ruta ng Translacion ng Black Nazarene sa Maynila sa susunod na linggo.
Bukod pa rito ang 500 Red Cross volunteers at staff na ikakalat mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo.
Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, mismong mga doktor at nurse ang mangangasiwa sa Emergency Medical Unit na may 50-bed capacity na ward.
33 na ambulansya ang naka-standby para tumugon sa emergency na pangangailangan ng publiko.
Bukod pa ang 12 scooter para sa Roving Medical Team na kayang makapasok sa maliliit at masisikip na lugar.
Tiniyak din ang kahandaan ng PRC Rescue Boats, Rescue Vehicles, Fire at 6×6 Trucks at iba pa para sa iba pang pangangailangan. | ulat ni Rey Ferrer