Inaasahan na ng Philippine Red Cross ang dagsa ng mga deboto sa pista ng Poong Itim na Nazareno sa Maynila sa Enero 9.
Dahil dito, naglabas ng ‘safety tips’ ang Red Cross para manatiling ligtas ang sarili sa gitna ng maraming tao.
Una, huwag makipag-unahan sa pagpasok ng gate upang maiwasan ang tulakan
Dapat alam ng publiko ang exit points habang nasa loob ng activity area gayundin ang security at first aid stations para sa anumang kinakailangang tulong.
Kung napasama naman sa malaking crowd na naglalakad, dapat maglakad din sa parehong bilis ng karamihan.
Payo pa ng Red Cross na sa sandaling masaktan o ma-injured, kailangang malapatan agad ng lunas ang sugat sa lalong madaling panahon.
Bago ang kapistahan ng Poong Hesus Nazareno, puspusan na ang paghahanda ng mga kinauukulan para sa maayos at ligtas na traslacion. | ulat ni Rey Ferrer