Nananatili sa mahigit ₱80 ang kada kilo ng puting asukal o refined sugar sa Agora Public Market sa San Juan City.
Mas mababa ito sa pagtaya ng Department of Agriculture (DA) na ₱90 kada kilo matapos bumaba ang farmgate price ng asukal.
Ang Segunda o Washed Sugar gayundin ang Terciera o Brown Sugar ay nagkakahalaga ng ₱75 kada kilo, habang ang Light Brown na karaniwang ginagamit sa banana-cue ay nasa ₱70 kada kilo.
Para sa mga nagtitipid naman, may mabibili ritong tig-1/4 kilo na nagkakahalaga ng ₱20 hanggang ₱22.
Una nang inihayag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na nananatiling sapat ang suplay ng asukal kaya’t wala silang nakikitang dahilan upang magtaas ito
Gayunman, sinabi ng SRA na kanilang iimbestigahan ang mga impormasyong kanilang natatanggap na may ilang trader ang nagsasamantala para itaas ang presyo nito sa mga pamilihan. | ulat ni Jaymark Dagala