Presyo ng mais at karne, pagtutuunan din ng pansin ng Murang Pagkain Super Committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukod sa bigas, bubusisiin din ng Murang Pagkain Super Committee ang isyu sa presyo ng mais at karne.

Ito’y matapos makapagtala ng 5 percent year-on-year inflation ang corn o mais.

Dahil naman dito, nahatak din ayon kay Committee lead Chair Joey Salceda ang inflation rate ng karne na nasa 4.9 percent.

Paalala ni Salceda, na ang mais ay input o nakakaapekto sa presyo ng karne at poultry dahil bahagi ito ng feeds.

Inaasahan na muling magpapatuloy ang pagdinig ng komite sa pagbabalik sesyon ng kongreso sa susunod na linggo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us