Umabot sa record breaking na halos sampung milyong kahon ang nakumpletong family food packs ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa taong 2024.
Mula ito sa dalawang major hubs ng ahensya sa Metro Manila at Cebu.
Ayon sa DSWD, ito na ang pinakamalaking bilang ng FFPs na na-produce ng ahensya sa loob ng 12 buwan.
42% mas mataas din ito kumpara sa higit 4 milyong food packs na nabuo noong 2023.
Ayon kay Disaster Response Management Group (DRMG) Assistant Secretary Irene Dumlao, naisakatuparan ito dahil sa pinaigting na stockpiling at prepositioning ng FFPs nationwide.
“For the DSWD, this is more than just a number but a culmination of our year-round commitment to ensuring that we are well-equipped and capacitated to respond accordingly to the needs of our kababayans in times of disasters and emergencies,” Asst. Secretary Dumlao.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DSWD na bumuo ng fail-safe supply chain para sa disaster preparedness at response sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa