Nananatiling impressive ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng panloob at panlabas na hamon na nakaapekto sa pag-abot ng target ng bansa.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, nandyan ang kaliwa’t kanang bagyo na tumama sa Pilipinas na lubhang puminsala sa agriculture sector ng bansa.
“We expect the agriculture to have contracted by two percent for at least I think in 2024 because of the heavy losses in the fourth quarter and also in the third quarter of last year, but expect to have that speedy recovery in 2025.” -Balisacan
Sa kabila nito ayon sa kalihim, kung ikukumpara sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas sa Asya, nananatiling ikalawa o ikatlo ang Pilipinas sa emerging economies sa Asya na maituturing na top performer.
“So, that’s one and you know agriculture is 10 percent of our GDP and almost a third of our employment – so, malaking impact iyon. Otherwise, the rest of the economy are doing well – of course, doing well, meaning in relation to those constraints that I mentioned but we could have done well if the environment is more favorable.” -Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan