QC LGU at MECO, magkakasa ng special job fair para sa nais magtrabaho sa Taiwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ngayon ng Quezon City Government ang mga jobseeker sa lungsod na samantalahin ang ikakasang Overseas Job fair sa lungsod, na nakalaan para sa mga nais magtrabaho sa Taiwan.

Pangungunahan ng QC Public Employment Service Office ang job fair katuwang ang Manila Economic and Cultural Office, Department of Migrant Workers at tanggapan ni Representatitive Arjo Atayde na gaganapin sa January 10, 2025 sa 25 West Avenue, Brgy. Nayong Kaunlaran, Quezon City na bukas mula 9:00 AM – 5:00 PM.

Ayon sa local government unit, maaaring makapag-apply dito ng factory worker sa Taiwan basta hindi bababa ss 32 taong gulang ang edad.

Wala ring hihingiing placement fee sa naturang job fair kung saan nasa 17 agencies ang inaasahang makikisali. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us