QC LGU, muling nagpaalala sa mga kandidato sa tamang pagpapaskil ng election materials

Facebook
Twitter
LinkedIn

Habang papalapit ang campaign period, nag-abiso ang Quezon City government sa mga kumakandidato sa lungsod sa tamang pagpapaskil ng kanilang mga election poster.

Alinsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010, ipinagbabawal ang paglalagay ng streamers, stickers, decals, pamphlets, tin plates, cardboards, tarpaulins, printed notices, signboard, billboard, at political propaganda sa mga hindi awtorisadong lugar.

Kabilang dito ang mga poste ng kuryente at mga pampublikong pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.

Kaugnay nito, hinikayat ng LGU ang mga kandidato na magkusa nang tanggalin ang mga election materials sa mga ipinagbabawal na lugar.

Muli naman aniyang magsasagawa ng Operation Baklas ang Department of Public Order and Safety (DPOS) para pagtatanggalin ang mga election materials na nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us