QC LGU, nag-inspeksyon sa itinatayong elevated walkway sa Quezon Memorial Circle

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag-iinspeksyon sa itinatayong elevated promenade sa lungsod na nagkokonekta sa Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.

Nilakad ng alkalde kasama sina City Engineer Atty. Dale Perral, City Architect Lucille Chua, at QMC Administrator Windsor Bueno ang promenade, na inaasahang magpapadali sa paglipat ng mga park-goer mula QMC sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife at vice versa.

Ayon sa LGU, oras na matapos ang elevated walkway mas mabilis at mas ligtas nang makakapunta ang publiko sa dalawang pinakamalalaking parke sa lungsod.

Ang pagtatayo ng elevated promenade ay bahagi ng hangarin ng lungsod na madagdagan at mapalawig pa ang green open spaces para sa mga residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us